Thursday, November 05, 2009

VANITY

The RULES:
1. Put your iTunes, Windows Media Player, etc. on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS.
4. Have Fun!


Despite how weird this is, it's actually one of those things that you could do over and over again without getting bored. It's fun :)

IF SOMEONE SAYS 'ARE YOU OKAY' YOU SAY?
~ Poker Face (Lady GaGa)
I just go pokerface that's all. HAHA

HOW WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF?
~ Money Honey (Lady GaGa)
Wow. Mukhang pera? Hahaha

WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
~ Slow Dance (Keri Hilson)
Hahahha. Kakaturn-on.

HOW DO YOU FEEL TODAY?
~ Papercut (Jordin Sparks)
No way. Hahaha. Masaya kaya ako.

WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
~ Pump It Harder (Black Eyed Peas)
HAHAHAHAH! KAKATAWA. I'm enjoying this.

WHAT'S YOUR MOTTO?
~ Beautiful People (Nina Sky)

WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
~ Filthy Pop (Lady GaGa)
I'm Mr. Pop!

WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
~ Empire State of Mind (Jay-Z)

WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?
~ Sabihin (Zelle)
Actually kinda..

WHAT IS 2 + 2?
~ Patron Tequila (Paradiso Girls)

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?
~ Use Somebody (Kings of Leon)
USER AKO?? HAHA

WHAT IS YOUR LIFE STORY?
~ Obsessed (Mariah Carey)
Sobra naman yun.

WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?
~ TiK ToK (Ke$ha)
Puro party??

WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?
~ You Are The Music In Me (HSM)
Actually it's true. We were in a cab when we heard this last time.

WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?
~ Good Girls Go Bad (Cobra Starship)
COOL! HAHAHA!

HOW'S YOUR SEX LIFE?
~ Inseparable (Mariah Carey)

WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?
~ LoveStruck (V Factory)

WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?
~ Jump (Flo-Rida)

WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?
~ S.O.S Let the Music Play (Jordin Sparks)

WHAT DO YOU WANT TO DO RIGHT NOW?
~ DROP IT LOW (Ester Dean feat Chris Brown)
HELL YEAH. HAHA

WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?
~ PAPARAZZI (Lady GaGa)
HAHAHA!

WHAT WILL YOU POST THIS AS?
~ Vanity (Lady GaGa)
Good title!

BAT PURO LADY GAGA? SOMETHING's wrong with my iTunes. HAHA Mas marami akong B.E.P. songs dito. Walang K-pop na napili.

Friday, October 30, 2009

I. Hate. You.

You know what? You want me to keep it real? Im not gonna lie. I HATE YOU.

I hate you. Sometimes, you just tell me things which are irrational. You tell me to do things you can't even do. You can be yourself. But I can't.

I hate you for being so bossy. I hate you for being insensitive. YES, you are insensitive.

Sometimes, people tell someone's insensitive but sometimes, they're just damn wrong. They're just too much sensitive. I've thought of that, too. I was always giving you reasons to prove to myself that you're right, or you're doing nothing wrong. I was always like, "Maybe I was just too sensitive" or "Maybe you didn't mean it that way". But no. You are INSENSITIVE.

You always put yourself into situations you know I wouldn't like, and if I wouldn't allow you to, it's going to look like I'm depriving you of doing what you like.

One thing I really don't like is that you show me that you don't want me around. Because we already see each other often. And for me, somewhere near you is such a happy place to be -- and sitting right next to you, hugging you, kissing you on the cheeks, is such a happy thing to do.

But, no. At first. You were telling me that you're crazy about me. I was like, the hell I care. You wanted to be with me every single time it's possible. And when we aren't, you always text me -- you're even upset whenever I don't reply.

But what is this? Is this something you do before you break up with someone? You don't even text that often anymore, and very recently, you told me you were sleepy (not an excuse) and you were talking to your "bestfriend" (hell you did not just say that).

Looks like to me that you're getting tired of seeing me. I never do. I always want to cuddle you as if I'm stuck on you. We're too dipoles with a hydrogen bond.

You threaten me that you're going to leave me if I do something that upsets you. I hate it when you do that.

But that's all I can do. I just hate you. And it ends there. I can't do anything more than that. I'm really stuck with you no matter what. Even adding another highly-reactive substance to the concoction wouldn't be enough to break our bond.

And because of that, I can't help but think about more things that I hate about you.

I hate it when you're around. Because I know, that in a while, you're gonna step out of that door, which will make me crave for you, drive me insane thinking of you.

I hate you for being the only person to make me feel like I'm the luckiest man alive. You really do. It makes me feel that no one is capable of what you do. Sometimes, the best things that other people do is no match to what you do worst.

For several months, I haven't been myself, myself as in what I was before the day we met. You looked at me like you didn't care I was there. But goodness, you liked me. :D After two months, wow, we were actually talking. You even cut your class just to talk to me for the first time.

I hate you being so unpredictable, makes me like you even more.

I was, and still am, in shock. You weren't part of the plan. You were someone I prevented from coming. You were someone I nearly haven't known. Ever.

I hate you.

I hate you.

I hate you.

I hate you because I love you! Those things I've said earlier, man oh man, I forget them when I see you smiling at me, looking straight into my eyes.

And I hate you because the words "cheesy" and "baduy" don't mean anything to me anymore. One proof: this whole thing that you're reading.

There are no regrets. Everything we've been through is everything I would like to happen in my life. And may God help me learn to be more patient with you and find ways to change you.

I love you.

:D

-FicWrite


Friday, July 10, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle (3-2)

Season 3, Episode 2
June 11, 2009

Still Defining Friendship


Foolish.
Foolish, paranoid Marjon.

Well, isang buwan na ang nakalipas at ramdam na ramdam ko ang pressure!!! Sobra. Busy-busyhan eh. Feeling diligent. Kunwari nag-aaral. Mauuwi lang sa text. Kunwari nag-o-orgwork, nakikipaghalakhakan lang sa mga officers.

Oh well, choice ko to. Sasali pa ko ng Mediartrix mga tsong. Tapos balak ko mag-girlfriend ngayon. Tapos tatakbo na rin ako ng EB ng council. At goal ko pala mag DL. Haha. O diba suicide.

Sa nagdaang buwan, naramdaman ko na laging may nagbobother sakin. Awkwardness sa classroom. YES.

Bakit ganito feeling ko? Feeling ko outgrouped pa rin ako? Am I being paranoid again or some of them doesn't really like me. Pweh.

Number 1: Awkward ako kay #1. Dati super kulit naman nya sakin.
Number 2: Sa kanya din, awkward. Pero minsan nangangamusta lang pero wala na talaga yung kulit eh. Tsk.
Number 3: Awkward din minsan kay #3. Pero nagpapakita naman sya ng kabutihan sakin kahit papano. Miss ko na yung dati. :(
Number 4: Nakipag-ayos na sya sakin. And I'm trying my best to avoid conflicts with this person. Pero minsan foul magsalita eh. Insensitive ba sya o nananadya lang? Di na lang ako kumikibo kasi baka mabugbog ko pa sya at ako na naman ang mali sa harap ng tao.
Number 5: Hay. Di ko na alam. Para bang wala kaming pinagsamahan. Tsk. Nagpakumbaba naman ako.

Bakit ba? Bakit ba ako na lang laging talo? Pag lumaban ka sa isa. Pag-uusapan ka ng grupo na para bang pinatay mo mga kamag-anak nila.

Ewan ko ba pagod na ko. Wapakels na ko sa inyo.

"Andito naman kami."

Sabi yan ng nanay kong si Monica. Haha. Truly, mas napalapit na talaga loob ko sa kanila kesa sa sarili kong block. Eh kasi naman paranoid talaga ako noh. Ang hirap magbago, but at least I'm trying.

Kanina. Ang saya sa orgroom. Nanonood lang kami ni Baby at Imam sa Dreamgirls show nina Jusef, Frynx, Aldrin at Monica. Bentang benta. Haha. Ang sakit ng panga ko.

Hay.

After 1 year, wala na sila. Karamihan kasi ng good friends ko ay 4th year na ngayon. Ewan ko feeling ko compatible ang wavelengths namin.

Aaaminin ko. Kailangan ko talaga ng ATTITUDE ADJUSTMENT. Kung meron lang rehab para dyan, matagal na ko magaling. Gusto ko pantay-pantay. Kung ano pinapakita mo sa kanya, yun ang ipapakita mo sakin. Kailangan pinapansin mo ko lagi. Kailangan makikinig ka sa problems ko. Kailangan makulit ka sakin. OO. Demanding akong kaibigan. Mahilig kasi ako mag-expect (and sometimes, mandikta).

Kasi maganda ang pakikitungo ko sayo.

"Never compare what others did for you to what you did for them."

Sabi yan ni Monique. Tama nga naman sya. Di mo kailangan manumbat. Tumulong ka kasi gusto mo; hindi dahil nag-eexpect kang tutulungan ka rin niya.

Siguro nga kailangan ko muna ng miracle para ma-internalize ko yun overnight.

That reminds me. Si Friend B. Haha. Wala lang. Naaalala mo ba sya? Ayun. Ganun ako sa kanya. Feeling ko anlaki ng tinutulong ko sa kanya kaya kailangan handa sya makinig sa mga reklamo ko sa mundo.

Si Friend A. Naging friends kami uli. Away. Bati. Away. Bati. Eventually, narealize na lang namin na walang kwenta. Walang kwenta.

Bakit marami ba kong nakakabangga? Sila ba yung may problema? Lahat ba sila masama ang ugali? Pero hindi eh. Ayon sa isang topic namin sa Christian Ethics:

"What is right is what the majority believes to be right."

So..I guess I'm the one who has the fucking problem

Sa larong "Killers" (the kindatan game), I've always hated to be the killer. Cause I have to act like I'm innocent like most of the people because what I naturally do is against the majority.

In real life, ganun pa rin. You have to act like them and please them because you don't want them to see that youre not "in the group".

Foolishness. This obliterates one's sense of individuality. Kung backstabber ang leader ng grupo, backstabber ka na rin. Urgh. Annoying.

Anyway, sa grupong tinutukoy ko. Di ko naman nilalahat. Some of them really are getting into my nerves but I have no choice but to shut up because if I "wink" and somebody catches me:

"I'm dead,."

Wala na. I just couldn't afford to make an effort anymore. If I do, wala na kong pride nun. Na pareho lang sa pagsubsob ng mukha mo sa putik.

Basta kung alam nyo kung sino kayo. Kung di pa rin kayo napapagod sa pagsasalita against me, you better be, kasi alam niyo naman kung sino mananalo sa huli. Wala. Sayang effort nyo.

Marjon is paranoid no more.

-rjon

P.S. Marami pa rin sa kanila ang good friends. So don't get me wrong. Still love a lot of my blockmates.



Get a playlist! Standalone player Get Ringtones

Saturday, April 18, 2009

How Do You Sleep?

by Jesse McCartney

I hated Jesse McCartney. Pero umo-okay na music nya sooooo good for him. Haha! This one's catchy but boring at first. Pero the chorus part's catchy.

Cool vid! I like the concept. Reminds me of The Fast and the Furious. I still kinda find his accent annoying. He sings RnB but his accent suits Country. Haha weird.



Thursday, April 16, 2009

MARJONLANDIA: Escape From The Spherical Dragon Graveyard (Grand Premiere)

Season 1, Episode 1
April 17, 2009

I Hate It. I Just Plain Hate It.

You know what I really hate this summer?

Not just the stupid heat. Or how fast the sun burns your skin. Or not even stupid FaceBook.

You know, with all the Paranoid PD and stuff. I dunno what's going on with people. I dunno what they're thinking about. I dunno what they're doing.

Should I know all these? No. But I always get the feeling that I have to.

How do I get over this? My gahd.

Yi. She is the one I really really like. But the feeling is fading(?). I dunno. She's not into me. And I feel she doesn't trust me. So be it.

Er. He's getting into my nerves. He's there and he's not there. I just don't feel anything good's gonna happen anymore once we broke each other's trust. And we did. SO goodbye, I guess?

San. He is the one that I do not care about anymore. He is the reason why people have something to talk about. Why did I ever befriend him?

Si. I hate them. They always act like they care. Some of them really do. Some of them just backstab like there's no tomorrow. Should you always find something to hate about me? I mean, seriously, did I kill your parents for me to deserve this?

Wu. He makes me sooooo confused. Is he mad at me or what? I dont see any problem but why does he act like we have a problem.

Liu. She makes me confused, too. Yesterday, she's there for you. And then the next day when you introduce new people that she would eventually like, she doesn't give a shit anymore.

Qi. She can't feel that I'm not into her. Is it too hard to understand? Whyd she have to make me look bad? Bitterness?

Ba. She doesn't entertain suitors yet. That's what I see. I liked her before. And I'm liking her again. It's bad news, man. 'Cause I dont see myself having any chance with her.

That's all.

Am I overthinking?
Why can't I get enough dose of inspirational quotes like "Friends come and go" shit and just live by these words?
Am I really made to suffer like this?

I tend to overanalyze. That's why my relationships with people always get intricate.

I always tell some of my friends. I think it feels good that you have a psychological disorder. But now, I'm telling you people. HELL, IT IS NOT EASY.

Now I told you what I'm getting paranoid about. Sooo it's your turn to get paranoid, too. Are you Yi? Er? San?

HAHAHAHAH! I hate summer! What the fudge. Bummed to the quadrillionth power! So sad. :(

"Go with the flow"

Still trying to internalize it.

Oh gahd. I hear cats fighting. Spookyyyy. Time for bed.

-rjon-


Tuesday, April 07, 2009

Right Round

by Flo-Rida featuring Kesha


Hahaha. I always remember my English prof when I'm watching Flo-Rida's videos. HAHA.

Flo-Rida looked so funny in the beginning of the video. Mukha siyang tanga promise. Halatang walang alam sa acting(parang ako meron).

However, the song is awesome naman. I think I like it better than "Low" or "In the Ayer". Mas catchy. Mas nakaka-LSS. But I don't like the video that much. Haha. Nahahalata kasi yung pagka-low budget.

The girl's another Keri Hilson. Opurtunista. HAHA. Dumidikit sa mga hitmakers.

Wala lang.

#1 on my playlist since April 7, 2009.



Sunday, April 05, 2009

In the Season Finale of MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle (2)

Season 2, Season Finale
April 1, 2009

Alam ko. I shouldn't blog na.
Sorry. Stubborn talaga ako.
Kasiyahan ko to eh. HAHA!

Kung ganito lang naman...
Sana April Fool's na lang ang Buong Buhay na 't
o!

Isang napakagandang Wednesday morning, nagising ako sa bahay namin sa Filinvest at nagstretch.
Lumabas ako at naamoy na ang hotdog, eggs and ginisang gulay sa baba.
Syempre, PG ako, baba ako kagad. Pumapak ako ng konting repolyo at tumunghay (tumingala in normal Tagalog, haha).

7.. A...M...
7 AM.
Ano meron?

May nakalimutan ba ko?
Alzheimer's...

Tita: "Bilisan mo na, pupunta ka pa ng Sampaloc."

Ay puta. CLEARANCE! Naiwan ko kasi sa Sampaloc yung uniform ko. So uuwi pa ko. Dapat ko kasing pumunta sa school by 1 PM (pero pinalabas ko na 8 AM para bigyan ako ng dagdag na pera panglunch. Haha).

Hinatid ko Tita ko papunta sa office at dumiretso sa bahay.
At papasok na ng banyo upang maligo.

Biglang nagtext ang pinsan ko.

Kuya Chris: Asan ka?
Marjon: Galing Filinvest, sa Sampaloc na. Bakit?
Kuya Chris: Kailangan kong magpa-check up. Puntahan mo nga ako sa condo ko. Di ako makatayo eh.
Marjon: Teka teka teka! Papunta na ko.
Kuya Chris: Tawag ka dito.
(landline na)
Marjon: Papunta na ko. Mag-uuniform na muna ko para diretso na ko school.
Kuya Chris: Huwag ka na pumasok!
Marjon: Bakit naman?
Kuya Chris: Kasi ULOL KA! APRIL FOOLS NGAYON!

Ay pota. May ganyan pala sa Pilipinas. Muntik ko na i-risk ang katawan ko from suffering BO dahil di ako naligo at nag-uniform lang.

Moving on. Pumunta na ko ng school ng 10 AM(Atat talaga). Umupo. Nagfathom. Problemado eh.

Una, kung papasa pa ba ko sa lecheng Filipino na yan?

Putangina talaga makakapatay ako pag bumagsak ako. Sana pala lagi akong maaga sa Filipino para napacheck ko yang mga pesteng talaarawan na yan.

Ikalawa, kung bakit ganun? Kung kelan handa ka na at balak mong sabihin sa taong yun na may gusto ko sa kanya, tsaka nya sinabing may gusto syang iba?

Aray.

Akala ko di na ko magkakaproblema sa love.

Kausap ko siya kagabi. Habang nag-eenjoy magshare tungkol sa gusto niya, isa-isang napuputol ang coronary veins at arteries ko. So yun. Nagpepretend na lang ako na I'm having fun talking to her pero in fact I'm in pain, crying inside. Behind those laughs were tears.

May pag-asa pa ba ko? Feeling ko naman magiging masaya siya sa taong yun. Kilala ko yung tao eh. Di lang basta kilala. He's my bestfriend (mukhang marami akong bestfriend, pero isa lang talaga. haha. Feeling close nga kasi ako).

So ano ginawa ko? Syempre sino tinanong ko on what to do? Bestfriend ko. Ang tanga. Eh he likes her, too. Bakit naman ako hihingi ng advice sa karibal ko?

Wala akong galit sa kahit isa sa kanila. Or tampo at least. Wala talaga. Naiinis ako sa fact na it has to be this difficult. Nagdidilemma na ko. Sino pipiliin ko?

The one you love whom youve known for a while, or the one who's been with you for a longer time who knows you better than yourself?

Nakita ko si Chiicko and Jayvi. OMG! May kasama na ko! Di ko na maiisip to. I should have fun with them. DI ako nagkamali! I lost track of what I was thinking. Sinamahan ko sila ilakad ang CSDT stuff nila at kumain kami ng napakasaraaap na liempo chops for lunch. Grabe sinabaw namin yung sauce. HAHA! Jayvi!! I miss you!! Haha!

1 PM - The Moment of Truth (ang cliche talaga)

Grabe I was too preoccupied by what I was thinking about. Nakalimutan ko. May mas malalang problema pa palang kelangang problemahin.

Salas...Obias...Perez....ENRIQUEZ.

Makukuha ko na clearance ko. Di ko pa nakikita grades ko so eto lang talaga makakapagsabi kung bagsak ako sa Filipino or kung san man.

English: PASS (Uy Thanks Ma'am Flo-Rida pero my grade is so low low low low)
Math: PASS (Alright! Di ko kailangan ng EK! HAHA!)
SA: PASS (It's meeee! All the way from Turkey!! Wala ako natutunan sayo!)
Psych: PASS (Ang saya saya. Wala rin ako natutunan pero kamusta ang grade ko dito!! HAHA!!)
Theo: PASS (Bati na kami, okay naman sya eh. HAHA Caviar Mayhem)
Bio 102: PASS (Weeeeheeee!!! Proud ako. Majors to eh.)
Bio 102 L: PASS (As expected mababa)

OMG OMG OMG

Filipino: PASS!!!!! (ALABYU CASTRO!! FRIENDS TAYO!!!!)

----

Naaawa na ko sa parents ko. Pagbubutihin ko na talaga next sem. Walang line of 2! HAHA! It's a must!

----

Sumama ako sa bahay ng friend ko with another friend. Hmm. Ang saya...naman nila. Haha. Pinapanood ko lang sila. At nag-iisip.

Akala nga nila galit ako sa kanila kasi sasama-sama ako, di ako magsasalita masyado. HOY! Ako lang ang may Paranoid PD dito! Walang eeksena sa show ko!

After ilang hours.
Nagsiuwian na.

Kinabukasan...

Tinext ko yung friend ko. At kinwento ko nga ang nangyayaring commotion sa loob ko.

Reply nya?

"You can't force someone you like to like you back. It hurts kasi umasa ka that there's chance. Pero in time, you'll learn to forget and move on. ro in time"

Hindi ko alam kung san nanggaling yung "ro in time". Halatang typographical error. Pero it's either ang tanga tanga nya at naulit nya ang mga katagang "Pero in time" or type nya lang magdrama at magpahabol ng linyang "Bro, in time". Dami kong nalalaman.

Anyways..

Leche talaga. Ganun ba talaga ako? Well ako kasi, pag di ko matanggap ang isang bagay na nangyayari, pinagpipilitan ko pa rin ang GUSTO ko mangyari.

Sabi niya, I shouldn't rush. 17 pa lang daw ako eh.
17 and NGSB. (Oh para sa mga tanga, No Girlfriend Since Birth yan. Masaya na kayo?)

Kelan ba unang nagka-boyfriend ang sister ko? 11 nun amp.

So doble-dobleng kahihiyan na yun on my part. Unang-una, babae sya. Ikalawa, bata sya.

Pero yun ba yun? Dahil PRESSURED ako magkaroon ng girlfriend? Napaisip ako.

Sana ganun nga. Para di masyadong masakit mabigo. Pero hindi. I genuinely feel that I love her. Love ha. Infatuation? Sana. Pero hindi eh.

---

Tinext ko siya. Tinukso ko siya sa friend ko.

Girl: Bakit mo ba ko tinataboy sa kanya? Nagseselos ka ba?
Marjon: Bat naman ako magseselos? Wala akong karapatang magselos.
Girl: Seryoso ka na nyan?
Marjon: Hmm. Ata?
Girl: Parang si (censored) lang ah.
Marjon: E di seryoso na kung seryoso
Girl: Di nga? May gusto ka ba sakin?

(long pause)

Di ko alam kung ano sasabihin eh. Kung sabihin kung oo, di ako handang masaktan pa ng todo-todo to the 10th power.

Marjon: Eh kung sabihin kong oo?
Girl: Bakit di mo naparamdam sakin na gusto mo ko?

Ayun kasi. Di nya maramdaman. Ewan ko. Fault ko rin naman eh. Nilalandi ko karamihan ng mga babae. Sweet ako sa female friends ko. :) Kaya siguro, pag humihirit ako, joke lang para sa kanya.

Does she like me? Ewan ko. Ayoko naman i-like ako ng person kasi like ko sya. Gusto ko. Genuine ang feeling. As in nanggaling talaga sa kanya. Ayoko ng pilit. I told her I'm gonna give up. Pero should it be this way?

I wanna make my first relationship special. And I want it to be true and longlasting (everlasting, if possible).

So do I have to rush? Dun ang tama ni Friend. Hindi. I really need to be the passive type of person right now. I don't need to seek but I need to be sought. Yep that's what I'm gonna do.

So yun na. Masaya ang buong sem na to. At least, super dami ko nakilala. At sabi ko nga, andaming life-changing experiences kaya napakaspecial sakin ng sem na to. Mas naging realistic ako and I knew myself better than ever before.

Tingnan na lang natin kung ano mangyayari sa susunod. :)
Nothing is a waste of time if you use the experience wisely.
-Rodin
So I should drive all those problems away, live life and cherish every moment.
Main theme ng season: Go with the flow, baby!

See you next sem!

WEEEEEEEEEEEEE

XD
DX

-rjon



Be The One

by The Ting Tings


Galing! Galing! I know it's kinda late to post this. But I really like the song especially NOW. Haha. 'Cause I dont wanna be the one, making all the noise!

HAHAHA!

I think the Ting Tings is an awesome singing group(actually theyre a rock duo). It's one of those bands/groups who are really really edgy and unique. I mean, I love all of their singles but this one's the "emo-est".

#1 on my playlist since April 5, 2006.

Saturday, April 04, 2009

The Show

by Lenka

I've gotta let it go..
And just enjoy the show..

Haha I know, this song's written for a girl. But the lyrics just suit me a lot right now. Haha. And good concept for the video. Good job. Haha. The melody's playful and catchy so dont you just love it?

I think she's just a one-hit wonder. I guess.



Wednesday, April 01, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle (2-6)

Isang semester ng controversies, rumors, pains and gains.
Ang daming nangyari. Sobra. Parang pwede ko mapagkasya ang buong buhay ko sa semester na to. Life-changing experiences. A lot o' new friends.
From Isopropyl to Booze


Una: 1611
First Glass of Beer


Icon ng Agham nun eh. Sobra. Akala ko. Di ko type lasa ng beer. I mean. Cinocondemn ko talaga ang alcohol(booze, not isopropyl) consumption. Pero wow. Dapat manonood lang talaga ako tanghalin ang bagong Icon. Pero nahatak nila ako eh. And it changed my life forever.

Dito ko rin nakilala ang una kong circle of friends outside B1. Ang 3P4 friends ko. Little did I know that this was the start of a roller-coaster ride they call "college".

Friendships grew deeper after a few months. And "Friendships" too. :)

New Characters:

Keira
Alvin
Anjo
Jayvi
Bea Codog
Kris
Chiicko

Ikalawa: DJ's House
Paskuhan Tragedy


Pagkatapos ng spaghetti at tequila shots sa bahay nila DJ...Well..

Actually tapos na siya eh. Pero gusto ko lang maging honest. Eto talaga yung nagmark ng simula ng paglayo ng loob sa sarili kong block. Ewan ko. Masyado lang talaga akong verbally aggressive kapag nanggagalaiti. The first part was, yeah, inaamin ko. Ao may kasalanan. But when I learned that these people are talking about me and practicing their scientific skills by formulating hypotheses about me. I was like. Wow. This has gone too far.

Aminin natin, paranoid ako. But I HAD something to get paranoid about. What pissed me off is that dumating pa sa extent na nag-GM sessions pa sila just to talk about me, the moves I make and their conclusions.

Pero yeah. It's a thing of the past. In a way or another, all this mayhem made me grow, know what my limitations are, and face that (oh yeah cliche na cliche) you cannot please everybody.

I did forgive them, even though I didn't accept any apologies from anyone (except for one guy). Hope they've already, too. I feel good whenever I'm with them now. Mahirap lang talaga mabalik yung dati.

Pero syempre, because people come and go(I have a lot of third and fourth year friends), they will always be my second family. :)

Sorry uli, guys.

Ikatlo: Mayric's
Boys, Curls, Valage, Shivoli


After ng variety show, dumiretso ako sa practice ng Singers. Pero I'm starting to feel that I'm not really made for this. I'm not sure if I'm responsible enough to get serious with making music. Nagtext si Keira. She wants me to go to Mayric's daw. And I did.

At first, syempre I was really really timid. But when Maffy and Joy talked to me, I realized that yeah, there's still room for more friends. The more, the merrier, the more chaotic.

And voila! Sampung rounds ng roller coaster! Mas naging controversial ang buhay kolehiyo ko. Mas masaya pero mas controversial. Kung issue lang naman ang pag-uusapan, di kami nauubusan nyan.

Ako nga lang eh. Di ko alam. Hours before I even met them, nagka-issue na ko sa kanila. Which I proved wrong naman.

New Characters:

Maffy - "So (insert name here) tell me something about yourself" :))
Joy
Fat
Frynx
Cassie
Apol
Mikko
Vane

After ilang days, kumakapal din ang stratum corneum ko sa mukha. Labas-pasok na ko sa orgroom. AT mas marami pa nakilala.

Jel
Bea Idquival
Roy
Jusef
Ja
and a lot mooooooore.

Ikaapat: DJ's Nook
This is For My People Who Just Lost Somebody

(sana may makagets ng title)

Eto talaga. Hay nako. Highlight kung highlight. Ikumpara natin sa isang piraso ng Watusi ang nalalaman ko sa mga bagay-bagay bago ang inumang 'to. Pagkatapos ng inuman, ikumpara na lang natin sa Sinturon ni Hudas.

POTA talaga. Mas nagulo buhay ko (in both good and bad ways). Sabi nga ni Maffy, kung dati sabik na sabik ka malaman kung may issues ba, ngayon, mga issue na ang lumalapit sayo at siyang itataboy mo sa dami.

New Character:
Drew

Ikalima: Balay
Kiss Lips, Lick Tongue, Rub Toes, Lock for 5 seconds


Dahil tinatamd kami ni DJ tapusin ang dalawang term paper, nakipag-inuman muna kami.

Haha. Ewan ko sa inyo ah pero ito talaga ang dirtiest inuman na napuntahan ko. HAHA. May life-changing experience din ako dito. Hmmmm. Ano kaya yon? Kayo na lang bahala mag-assume kasi assuming kayo. Bigyan ko limandaan makahula. HAHA.

Syempre kamusta naman ang mga term paper namin?

New Characters:
Bebang
Rhein
Charles
Mickmack

Ikaanim: Tapsi
Tapsi and Tipsy


Ay di pala tipsy. First time ko malasing. Yung lasing talaga ah.

"Hello!! It's me!! All the way from Turkey!!"

New Characters:
Abby
Ina

Ikapito: Fontana
1..2..3..


Ewan ko. Masaya siya. Pero isa 'to sa mga pinakamalabong araw ng buhay ko. Naghahanap ako ng kasagutan sa aking mga katanungan. And I want it now.

And I got what I wanted naman. Haha. Nalinawan na ko.

Kung iisipin, masyado ba kong ineenjoy ang college life ko? Nakalimutan ko na bang nasa UST ako para mag-aral? Feeling ng family ko, 'nababarkada' ako. At sinet-up pa ko para lang makausap ang isang counselor.

Ewan ko. Di naman ako yung taong puros inom lang eh. I mean. I still work hard for my grades.

Eh sa friendship naman tayo uli. Masaya din ako na nakilala ko sila. Pero ewan ko. Habang tumatagal, di ko na rin alam kung san ako lulugar. A person may like you for a while, and bigla bigla ka na lang aayawin dahil may nakilala na siyang mas interesting pa sayo. Well I'm not whining about it. It's just that, it's the truth. May constant companion naman ako. Pero ewan ko. Natatakot ako. Someday, things might get fucked up and we may end up killing each other. Exage pero posible.

And oh.. The end is near. Watch out for the season finale. :)

*yawn*

-rjon


Friday, March 27, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle

Season 2, Episode 5
March 28, 2009

Dahil cliche ang emo posts sa love.
Let's try something new.
Emo posts tungkol sa friendship.


Lost Two of 'Em. Any More Losses?

Ayon kay Pareng Wikipedia eto ang Friendship:

Friendship is a term used to denote co-operative and supportive behavior between two or more people. In this sense, the term connotes a relationship which involves mutual knowledge, esteem, and affection and respect along with a degree of rendering service to friends in times of need or crisis. Friends will welcome each other's company and exhibit loyalty towards each other, often to the point of altruism. Their tastes will usually be similar and may converge, and they will share enjoyable activities. They will also engage in mutually helping behavior, such as exchange of advice and the sharing of hardship. A friend is someone who may often demonstrate reciprocating and reflective behaviors.

Meron ba kami nun? Ewan ko tingnan natin.

Part I

How Important is Trust?

Syempre ang sagot ng pilosopo, it's so motherfucking important that you need it to keep you inches away from parenthood. Kung walang pumasok, walang lalabas.

Pero di nga.

Ako? Isang simpleng kaibigan lang. Nakikinig sa problema. Nagbibigay ng payo. Nakikitawa sa kasiyahan. Nakikiiyak (or at least nakikisimangot) sa kalungkutan.

Sa mundong ito, di mo talaga alam kung sino ang tunay na kaibigan. Di mo alam kung sino pagkakatiwalaan. Well, at least, for a paranoid like me.

Sa dinami-dami ng pinagdaanan ko sa buhay ko. Ngayon lang ako nakakita ng taong katulad nya. At hindi ako in-love ah. Di ko alam. Bakit ko nga ba sya natutunang pagtiyagaan? Matiyaga ako sa lahat ng kaibigan ko. Oo. Saktan mo ko mamaya. Patatawarin kita bukas.

Di naman sya ganon kabait. Wala kami masyadong commonality. Marami nang beses niya akong binigo. To the extent na nasira na pangalan ko.

Pero after that, naging super close na kami. Sabi nya yun eh. Feeling close naman ako eh, kaya para sakin close ako sa lahat, hinihintay ko lang maging mutual. :)

Pano kami naging close? Kasi nalaman ko kung sino siya at syempre, tanggap ko yun. Nalaman ko ang bawat hakbang nya in dealing with his lifestyle.

Ayokong isumbat. Pero ilang beses na rin nasira ang trust ko sa kanya. I mean. Wow. Yung limits ko, di ko na inisip. Pero, nagbuibuild-up uli pag nagsorry sya.

Pero bakit sya? Actually hindi ko nga alam kung ano nangyari eh. Di ko alam kung bakit ganyan sya sakin ngayon. Basta inimply nya sa mga sinasabi nya na kailangan nyang magbigay sakin ng less trust. Kasi daw I would make things complicated.

Inaamin ko. There are times that I almost told people the stuff he entrusted me with, but I just keep fighting for what is right - keeping it.

Until I made a single mistake. I told someone. Why? Because I was freaking annoyed. People who know me more can tell. I have weak self-control.

Who am I annoyed with? Sa kanya. Bakit? I just plain cant say why. Maybe the attitude? Tactless sya, abrasive, over-self-confident.

Alvin told me, that if you really are "best" or "close" friends. You accept each other's haves and don't haves. You respect them for what they are and are not. Sabi ko, "Ano yun? Magsyota?"

But maybe he's right. Di lang basta sinasabi na close kayo. In fact, you should feel it. Do not get influenced by the fact that the person says that you are close.

Oo, I accept him pero sya ba?

Alam kong may nagawa akong mali. And I'm ready to admit it. It's just that, napangunahan na ko nang kung sino man na napagsabihan ko.

Gaano ba kahirap itama ang mali sa pagkakaibigan? Kasindali lang ba yun ng pagbura ng graphite marks gamit ang eraser? Hindi.

Kasi kasinghirap yun ng pagbura ng permanent marker sa white board. Oo, tanga ang kung sino mang gumamit ng permanent marker sa white board. Therefore, tanga ang magkamali.

Oo. Tanga ako. Hindi sana ako nagpadala sa emotions ko.

Kinausap ko ang isa pang friend.

Marjon: "Di nya na ko pinagkakatiwalaan"
Friend: "Then you should earn it back"

MAY TAMA SIYA!

Madaling sabihin no? Madaling magplano kung ano gagawin. Di mo alam kung paano mo gagawin.

Tanong: Anong kalalabasan nito? Bibiguin nya na naman ba ko kung maging successful ako sa pag-earn ng trust nya? Makikinig ba sya tulad ng pakikinig ko sa kanya? Magiging masaya ba ako? Magiging good friend ba siya sa kin?

Part II

Why Shouldn't You Exert Efforts on Making Friends?

Bakit nga ba? Naalala ko rin si isang friend ko. Si Friend B.

Oo. Feeling close rin ako sa isang to. As in cinacareer ko ang pagka-feeling close. Baka isipin nga nila, may crush ako sa kanya. DX

Wag po. NOT AGAIN.

Cool nya eh. May dream ako magkaron ng big brother, and i kinda think he's the one to fill in.

There was some point na we felt the feeling was mutual. Yung friendship ah!

Nagsasalita sya. Nakikinig ako. Nagsasalita ako. Nakikinig sya.

Aba'y okay naman pala. Mas okay pa kay "close" friend.

At ngayon? Aba'y akalain mo. Sila na ang close. Sila ni close friend. Pwede namang close kaming tatlo. That's what im working on. Pero hindi. They have things that they keep for themselves. And they dont want me to know or have anything to do with it.

Asan na ako? Wala na.

Kaya eto na naman ako si epal. Gusto ko malaman kung anong nangyayari. At ako yung tipo ng tao who'll do whatever it takes just to extract answers from questions. Kung kailangan mag-Google pa ko, mag-hire ako ng detective o become the detective myself, gagawin ko. Obsession ko na ata yun. Psychological disorder daw yun e.

At dahil sa nature kong yun. Na-asar sila sakin.

At dahil dun, this friend doesn't trust me anymore, too.

This is what I'm afraid of. Getting left behind.

You would sometimes wish Friend A didn't meet Friend B. But it's too cruel. Destined it is. So let it be.

One night, I slipped into his Multiply and saw that I wasnt there in the "Featured Friend" box anymore. He put Friend A instead and some other people he's really closer to.

Masakit? Oo sobra. Big deal? I dont know. I guess, the fact that he removed me from the friend list doesn't hurt me, it's the fact that our friendship is falling apart is what's hurting me.

Tonight, my clever (wuuuuuuuy) friend Alvin told me:
[quote]
"when we try to make our relationships with other people very special... we tend to give everything we've got... tapos ineexpect natin na other people would do the same... tapos konting taking for granted lang super minamasa[ma] na natin... and it'll build up until finoforce na natin na maging equal... pero in the end kung ganon thinking style mo you'll just end up disappointed..."

Actually based on experience yan. And involved ako so.. ako na naman ang star. HAHAHA.

According din sa Bustinera's Theory of Expectation: You only get hurt if you expect.

Tama naman. We should never enforce our relationship with someone who just doesnt feel the same. This applies to love and friendship.

So yun. Magpapaka-passive na lang ako. Whatever happens is the Supreme Architect's Will.

I think that's the best thing to do.

Pero syempre: GUSTO KO PA RIN MAAYOS LAHAT NG BUMABAGABAG SA AKING ISIPAN.

Dami kong nalalaman no? Bat di ako maglaba?

E lamog na kamay ko kakatype eh. Baka mapasma.

HAHAHAHAHA!

(sob)

-rjon-

Thursday, March 26, 2009

Angel

by Natasha Bedingfield

No comment muna. HAHAH. Basta super gusto ko yung song. HAHAHA. I mean, the first time I heard it, I thought it was some undergroung RnB record, ay yun pala Natasha Bedingfield. Sinasayaw lagi nina Maffy sa orgroom. Hoy, the video's kinda hard to find. So, snaps for me. HAHAHA

#1 on my playlist since March 25, 2009.


Sunday, March 22, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle (The Birthday Special)

Season 2, Episode 4
March 19, 2009


Hay nako.
Antagal ko na rin di kayo nakabonding.
Since special ang araw na to.
Tatanggalin ko ang katamaran sa system ko.

--

Wednesday(March 18; 11:30 PM) - Tangena, nag-aaral pa rin ako for BioLec. I havent even started with BioLab yet. O Juice ko! Bakit? Bakit? Sa dinami-dami ng school days sa final week, pinili pa ang birthday ko para maging hell day. Finals ng majors.

11:45 PM - Sabi ni Left Hemisphere Cerebrum: Aral pa din. Araaaaal. BioLeeeeec.

Sabi ni Right Hemisphere Cerebrum: Hoy teka teka. Dalawa subject mo bukas, Marjon! Hindi puro BioLec.

11:55 PM - Malapit na ang bukas. Sabi ni Hypothalamus: Tomorrow's a big day. Matulog ka na. O ayan lumalamig na. Sabi ng circadian rhythm mo, bedtime na daw.

12:00 AM - Pumipikit na ko. Leche! Nagvibrate phone ko! Sinong engot ang magtetext ng ganitong oras!? May exam pa ko bukas hoy!

*Happy Birthday! :) Thanks for everything....bla bla* - DJ Perez

Ay oo nga pala. BIRTHDAY KO NGAYON!

Biglang may tumawag. *Karl, Calling*

Marjon: OMG OMG OMG!
Karl: Ha? Bakit? Tanong ko lang kung may assignment bukas.
Marjon: Ay.
Karl: Haha! Joke lang.
Czy, Jhoc, Marga, Karl: Happy Birthday!

Naghintay sila ng 12 AM sa Mini Stop sa UST para lang sabay sabay silang i-greet ako. Shet. Wala akong panyo! Wala akong panyo! Nasa labahan ang lahat ng panyo ko!

Karl: O? Bakit parang di ka masaya? May problema ba?
Marjon: Wala.. Masayang masaya ako. Pero I'm worried about tomorrow.
Karl: Dahil sa exam? Ako nga di pa nagsstart mag-aral eh.
Marjon: Hindi. Di ko alam kung bakit eh..
Karl: Tulog ka na lang.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

Kala mo natulog na ko? Hindi. Tunog yan nung nagvavibrate na phone. (Zzzzzzzzzz)

Umaalog na bahay ko kakavibrate. Grabe. Andami nag-greet! FIrst minute pa lang ng birthday ko! From B1 to Council to Pisayanos to UST to UP to Ateneo. Huwaw. I feel special. Nafaflatten ako. HAHAHA.

2 AM - Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz..

Toktoraok! Sabi ng manok.

5 AM - Inagahan ko ang gising. Mag-aaral pa ko for BioLab.

May naaamoy ako. Amoy Pinoy spaghetti with extra cheese and a lil' bit of hot sauce. My fave pasta. HAHAHA

Okay di ko muna titingnan.

7 AM - Punta na ko school. Sino kaya ang una mag-g-greet sakin in person? Hayun si Arjo! Sina Norielle. Tumatambay sa labas ng exam room. Nag-aaral pa rin. HAHAHA.

Pumasok ako room. Isang malaking Happy Birthday ang sumalubong sakin. HAHA.

Na-o-overwhelm na talaga ako. Haha.

7:30-9:30 AM - Naudlot muna ang kasiyahan ko dahil narealize kong sabay-sabay naming niloko ang mga sarili namin sa pag-aaral. FUCKING SHIT! ANG HIRAP NG EXAMS!

Pumasok ako ng nakangiti sa room. Paglabas namin, nakangiti pa rin, dahil pinagtatawanan ko sarili ko. Sana di na ko nag-aral.

Nakita ko si Mikko. Hay di lang pala exam day at birthday ko ngayon.

Bibili pa ko ng cheongsam sa Quiapo, may meeting pa kami for Baccalaureate Mass. May worship pa. Kailangan ko pa umuwi ng maaga sa di malamang rason.

10 AM - Wala akong kasama.(Ang lungkot ) Nagkataon, pupunta sa SM San Lazaro si Chiicko para magpagupit. Sabi nya sumama ako. Sige lang.

Chiicko: Bat ka nakasimangot?
Marjon: Ewan ko eh.
Chiicko: Wag ka malungkot. Birthday mo eh.
Marjon: Ewan ko ba? Basta di ko talaga maramdaman na birthday ko.

Oo nga marami nag-greet sakin pero may sumasama ba sakin? Wala. Na-realize ko. Oo marami akong friends. Pero namimiss ko lang yung feeling na may bestfriend. Yung sasamahan ka lagi. Yung andyan sayo through ups and downs. Di ba ako ganun ka likable? O kaya.. Kailangan ko na ba mag-girlfriend? Hmmm. Hay. Bipolar day pala ito!

Nung nakasakay na kami sa jeep, na-feel ko na wala naman ako magagawa kung samahan ko magpagupit si Chiicko. Tsaka may kasama naman sya eh. Nagtext si Mikko. Bumaba na lang ako para samahan si Mikko kumain at para diretso na kami sa Quiapo.

Marjon: Hay! Parang ang lungkot naman ng araw na to!
Mikko: Bakit naman?
Marjon: Ewan ko, birthday ko nga, wala naman ako kasama.
Mikko: Oo. Yan din ang na-feel ko nung birthday ko eh. Pangit talaga pag school day ang birthday mo. Tapos busy pa.

Hmmm. Di naman pala ako nag-iisa sa feeling na yun. That was kind of a reliever.

3 PM - Pumunta kami sa Quiapo para bumili ng cheongsam, isang type ng Chinese formal dress. Grabe. First time ko mag-adventure-slash-shopping sa Quiapo. Although once na ko nakapunta dun, pero nakatanga lang ako nun. Magandang experience kasi pareho kami first-timers (Hello, kasama ko naman ba ay Lasallista?) at para lang kaming tangang pa-ikot-ikot.

Sinubukan naming tumawad ng malaki-laking halaga kaso goodluck na lang no. Sa itsura pa lang ni Mikko, mawawalan na kami ng karapatang tumawad nyan. Pero what the hell. Siya pa yung nakakumbinsi sa aleng chekwa. P100 pa! Haha ACHIEVEMENT.

Pero may naalala ako! HAHA. Sa isang store. Sinusukat ko yung cheongsam pero naluluwagan ako sa torso part. Kaya sinusubukan kong i-fit by pulling it backwards. Baka kayanin ng safety pin.

Aleng Chekwa: Gipit tiyan.
Marjon: Po?
Aleng Chekwa: Sa-bee kwo, Gipit tiyan!
Marjon(to the assistant): Ate, ano daw?
Ateng Assistant: Sabi niya HINDI FIT yan. HAHA

Wala lang natatawa lang ako pag nagtatagalog ang mga Intsik. Parang pinag-english mo lang si Pacquiao. HAHA

Pagkatapos ng bonding with Chinese people. Bumalik na kami sa school. Nangitim na kami ni Mikko pati ang mga polo namin.

Habang nagmemeeting, nag-order ako ng pizza at pinakain ko sa council people (nagsiuwian na kasi yung iba. HMPF!)

Tumawag Mom ko.

Mom: Umuwi ka na.
Marjon: Bakit?
Mom: Basta umuwi ka na.
Marjon: Labo.
Mom: Ano?
Marjon: AY! Sabi ko OPO!

HAHAHA.

Umuwi na ko immediately after the meeting. Nagthanks ako sa mga kasama ko kumain ng pizza. At may isang kapal-mukhs na nagreply.

"DJ was rushed into the hospital due to lack of coke"

HAHAHAHA! Wag na no! Para san pa tubig. Tsaka may bibilhin ako for myself. HAHA. Pero bibili sana ako kaso busy lahat kumain. Wala akong kasama. At wala ng time. HAHA. Nag-explain pa.

Pero parang may kulang pa rin. Di ko alam. Parang sad pa

Pag-uwi ko everyone was busy. Syempre touch na naman ako. Haha. Kahit yung mga bata. Nakita ko nagd-draw. Kala ko wala lang. Yun pala gift nila sakin yun. Haha. At pinost nila sa ref.

Tapos may dumating na cake. Cake? Na padala? Nakita ko address.

20 Joann Court, Monmouth Walk, Monmouth Junction, NJ

Teka teka. Address namin to sa states ah. Galing yung cake sa states?

Nag-order pala yung Mom ko online. Tapos dinala sa bahay namin yung cake. Super ganda at super sarap! HAHAHA! Ayoko nga sanang pakainin eh. Itatago ko na lang sana sa drawer ko sa sobrang special. Haha.

Sa card: "A gift of love from us who are always here for YOU no matter what. You make us proud of your achievements keep it up. Luv, Mommy and papa."

Grabe. Dun na talaga ako naiyak. Haha. Naisip ko yung mga nagawa ko 5 months ago(yung suicide attempt). Yung mga nagawa kong ka-pasaway-an these past few months. Through those times, di pa rin sakin naggive up ang family ko. Na-take for granted ko sila dahil akala ko di ako ganun ka-special sa kanila. I've given too much time for my friends, kahit yung IBA sa kanila, kahit hindi "mutual" yung feeling. Na nag-e-effort ako makipagclose sa kanila. Sila? Wala lang. Pero overall. Okay naman sila.

Sakto lang.
- ika nga ni Chiicko

Pero syempre may iba naman, na sobrang effort talaga para sakin. Na-alala ko yung gift sakin kahapon ni Frynx at Jusef. Hababng bumibili sila sa Quiapo ng Cheongsam, bumili na rin sila ng brief para sakin. Haha! Natawa ako and in a way or two, natouch sa effort na binigay nila kahit 1 month pa lang kami magkakakilala. Gumawa sila ng letter. At binalot sa pulang cellophane yung box ng brief. (Yung mga tira-tira sa pagbabalot ng light sticks para sa Bac Mass) HAHA! Para sakin, mas valuable sya kesa sa pagreregalo ng mahal na necklace, pero wala lang. Just plain regalo. Para lang masabi na nagregalo.

Haha isa pang regalo na nagpatawa sakin ay yung kay DJ (kung regalo man yun). Nagregalo sya ng Hopia Mongo. Binili nya pa daw yun sa Chinatown. Favorite kasi namin yun. At yun ang ka-isa-isahang commonality namin. HAHAHA. Si Jel. Nagregalo din. Bumili sya ng chocolates at ginawan ako ng pop-up card. Yihee! Thanks Baby!

Tapos yung mga Accountancy friends ko (lalo na si Angel), kahit di ko sila ganun kakilala. Nagregalo pa rin sila ng shirt. Appreciate ko talaga.

So bakit ako malulungkot? Nalaman ko na marami akong true friends, at natutunan ko ang kahalagahan ng family ko. Nagkaroon ako ng strength at reason para maging masaya sa buhay ko at sana di ako nagkakamali. Ilang taon na naging empty at forgettable ang birthdays ko, but indeed, this is the Best Birthday Ever!

Thank you. Thank you.
Mahal ko kayong lahat.

-Rjon