Friday, March 27, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle

Season 2, Episode 5
March 28, 2009

Dahil cliche ang emo posts sa love.
Let's try something new.
Emo posts tungkol sa friendship.


Lost Two of 'Em. Any More Losses?

Ayon kay Pareng Wikipedia eto ang Friendship:

Friendship is a term used to denote co-operative and supportive behavior between two or more people. In this sense, the term connotes a relationship which involves mutual knowledge, esteem, and affection and respect along with a degree of rendering service to friends in times of need or crisis. Friends will welcome each other's company and exhibit loyalty towards each other, often to the point of altruism. Their tastes will usually be similar and may converge, and they will share enjoyable activities. They will also engage in mutually helping behavior, such as exchange of advice and the sharing of hardship. A friend is someone who may often demonstrate reciprocating and reflective behaviors.

Meron ba kami nun? Ewan ko tingnan natin.

Part I

How Important is Trust?

Syempre ang sagot ng pilosopo, it's so motherfucking important that you need it to keep you inches away from parenthood. Kung walang pumasok, walang lalabas.

Pero di nga.

Ako? Isang simpleng kaibigan lang. Nakikinig sa problema. Nagbibigay ng payo. Nakikitawa sa kasiyahan. Nakikiiyak (or at least nakikisimangot) sa kalungkutan.

Sa mundong ito, di mo talaga alam kung sino ang tunay na kaibigan. Di mo alam kung sino pagkakatiwalaan. Well, at least, for a paranoid like me.

Sa dinami-dami ng pinagdaanan ko sa buhay ko. Ngayon lang ako nakakita ng taong katulad nya. At hindi ako in-love ah. Di ko alam. Bakit ko nga ba sya natutunang pagtiyagaan? Matiyaga ako sa lahat ng kaibigan ko. Oo. Saktan mo ko mamaya. Patatawarin kita bukas.

Di naman sya ganon kabait. Wala kami masyadong commonality. Marami nang beses niya akong binigo. To the extent na nasira na pangalan ko.

Pero after that, naging super close na kami. Sabi nya yun eh. Feeling close naman ako eh, kaya para sakin close ako sa lahat, hinihintay ko lang maging mutual. :)

Pano kami naging close? Kasi nalaman ko kung sino siya at syempre, tanggap ko yun. Nalaman ko ang bawat hakbang nya in dealing with his lifestyle.

Ayokong isumbat. Pero ilang beses na rin nasira ang trust ko sa kanya. I mean. Wow. Yung limits ko, di ko na inisip. Pero, nagbuibuild-up uli pag nagsorry sya.

Pero bakit sya? Actually hindi ko nga alam kung ano nangyari eh. Di ko alam kung bakit ganyan sya sakin ngayon. Basta inimply nya sa mga sinasabi nya na kailangan nyang magbigay sakin ng less trust. Kasi daw I would make things complicated.

Inaamin ko. There are times that I almost told people the stuff he entrusted me with, but I just keep fighting for what is right - keeping it.

Until I made a single mistake. I told someone. Why? Because I was freaking annoyed. People who know me more can tell. I have weak self-control.

Who am I annoyed with? Sa kanya. Bakit? I just plain cant say why. Maybe the attitude? Tactless sya, abrasive, over-self-confident.

Alvin told me, that if you really are "best" or "close" friends. You accept each other's haves and don't haves. You respect them for what they are and are not. Sabi ko, "Ano yun? Magsyota?"

But maybe he's right. Di lang basta sinasabi na close kayo. In fact, you should feel it. Do not get influenced by the fact that the person says that you are close.

Oo, I accept him pero sya ba?

Alam kong may nagawa akong mali. And I'm ready to admit it. It's just that, napangunahan na ko nang kung sino man na napagsabihan ko.

Gaano ba kahirap itama ang mali sa pagkakaibigan? Kasindali lang ba yun ng pagbura ng graphite marks gamit ang eraser? Hindi.

Kasi kasinghirap yun ng pagbura ng permanent marker sa white board. Oo, tanga ang kung sino mang gumamit ng permanent marker sa white board. Therefore, tanga ang magkamali.

Oo. Tanga ako. Hindi sana ako nagpadala sa emotions ko.

Kinausap ko ang isa pang friend.

Marjon: "Di nya na ko pinagkakatiwalaan"
Friend: "Then you should earn it back"

MAY TAMA SIYA!

Madaling sabihin no? Madaling magplano kung ano gagawin. Di mo alam kung paano mo gagawin.

Tanong: Anong kalalabasan nito? Bibiguin nya na naman ba ko kung maging successful ako sa pag-earn ng trust nya? Makikinig ba sya tulad ng pakikinig ko sa kanya? Magiging masaya ba ako? Magiging good friend ba siya sa kin?

Part II

Why Shouldn't You Exert Efforts on Making Friends?

Bakit nga ba? Naalala ko rin si isang friend ko. Si Friend B.

Oo. Feeling close rin ako sa isang to. As in cinacareer ko ang pagka-feeling close. Baka isipin nga nila, may crush ako sa kanya. DX

Wag po. NOT AGAIN.

Cool nya eh. May dream ako magkaron ng big brother, and i kinda think he's the one to fill in.

There was some point na we felt the feeling was mutual. Yung friendship ah!

Nagsasalita sya. Nakikinig ako. Nagsasalita ako. Nakikinig sya.

Aba'y okay naman pala. Mas okay pa kay "close" friend.

At ngayon? Aba'y akalain mo. Sila na ang close. Sila ni close friend. Pwede namang close kaming tatlo. That's what im working on. Pero hindi. They have things that they keep for themselves. And they dont want me to know or have anything to do with it.

Asan na ako? Wala na.

Kaya eto na naman ako si epal. Gusto ko malaman kung anong nangyayari. At ako yung tipo ng tao who'll do whatever it takes just to extract answers from questions. Kung kailangan mag-Google pa ko, mag-hire ako ng detective o become the detective myself, gagawin ko. Obsession ko na ata yun. Psychological disorder daw yun e.

At dahil sa nature kong yun. Na-asar sila sakin.

At dahil dun, this friend doesn't trust me anymore, too.

This is what I'm afraid of. Getting left behind.

You would sometimes wish Friend A didn't meet Friend B. But it's too cruel. Destined it is. So let it be.

One night, I slipped into his Multiply and saw that I wasnt there in the "Featured Friend" box anymore. He put Friend A instead and some other people he's really closer to.

Masakit? Oo sobra. Big deal? I dont know. I guess, the fact that he removed me from the friend list doesn't hurt me, it's the fact that our friendship is falling apart is what's hurting me.

Tonight, my clever (wuuuuuuuy) friend Alvin told me:
[quote]
"when we try to make our relationships with other people very special... we tend to give everything we've got... tapos ineexpect natin na other people would do the same... tapos konting taking for granted lang super minamasa[ma] na natin... and it'll build up until finoforce na natin na maging equal... pero in the end kung ganon thinking style mo you'll just end up disappointed..."

Actually based on experience yan. And involved ako so.. ako na naman ang star. HAHAHA.

According din sa Bustinera's Theory of Expectation: You only get hurt if you expect.

Tama naman. We should never enforce our relationship with someone who just doesnt feel the same. This applies to love and friendship.

So yun. Magpapaka-passive na lang ako. Whatever happens is the Supreme Architect's Will.

I think that's the best thing to do.

Pero syempre: GUSTO KO PA RIN MAAYOS LAHAT NG BUMABAGABAG SA AKING ISIPAN.

Dami kong nalalaman no? Bat di ako maglaba?

E lamog na kamay ko kakatype eh. Baka mapasma.

HAHAHAHAHA!

(sob)

-rjon-

Thursday, March 26, 2009

Angel

by Natasha Bedingfield

No comment muna. HAHAH. Basta super gusto ko yung song. HAHAHA. I mean, the first time I heard it, I thought it was some undergroung RnB record, ay yun pala Natasha Bedingfield. Sinasayaw lagi nina Maffy sa orgroom. Hoy, the video's kinda hard to find. So, snaps for me. HAHAHA

#1 on my playlist since March 25, 2009.


Sunday, March 22, 2009

MARJONLANDIA: Adventures in the Golden Tiger Castle (The Birthday Special)

Season 2, Episode 4
March 19, 2009


Hay nako.
Antagal ko na rin di kayo nakabonding.
Since special ang araw na to.
Tatanggalin ko ang katamaran sa system ko.

--

Wednesday(March 18; 11:30 PM) - Tangena, nag-aaral pa rin ako for BioLec. I havent even started with BioLab yet. O Juice ko! Bakit? Bakit? Sa dinami-dami ng school days sa final week, pinili pa ang birthday ko para maging hell day. Finals ng majors.

11:45 PM - Sabi ni Left Hemisphere Cerebrum: Aral pa din. Araaaaal. BioLeeeeec.

Sabi ni Right Hemisphere Cerebrum: Hoy teka teka. Dalawa subject mo bukas, Marjon! Hindi puro BioLec.

11:55 PM - Malapit na ang bukas. Sabi ni Hypothalamus: Tomorrow's a big day. Matulog ka na. O ayan lumalamig na. Sabi ng circadian rhythm mo, bedtime na daw.

12:00 AM - Pumipikit na ko. Leche! Nagvibrate phone ko! Sinong engot ang magtetext ng ganitong oras!? May exam pa ko bukas hoy!

*Happy Birthday! :) Thanks for everything....bla bla* - DJ Perez

Ay oo nga pala. BIRTHDAY KO NGAYON!

Biglang may tumawag. *Karl, Calling*

Marjon: OMG OMG OMG!
Karl: Ha? Bakit? Tanong ko lang kung may assignment bukas.
Marjon: Ay.
Karl: Haha! Joke lang.
Czy, Jhoc, Marga, Karl: Happy Birthday!

Naghintay sila ng 12 AM sa Mini Stop sa UST para lang sabay sabay silang i-greet ako. Shet. Wala akong panyo! Wala akong panyo! Nasa labahan ang lahat ng panyo ko!

Karl: O? Bakit parang di ka masaya? May problema ba?
Marjon: Wala.. Masayang masaya ako. Pero I'm worried about tomorrow.
Karl: Dahil sa exam? Ako nga di pa nagsstart mag-aral eh.
Marjon: Hindi. Di ko alam kung bakit eh..
Karl: Tulog ka na lang.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

Kala mo natulog na ko? Hindi. Tunog yan nung nagvavibrate na phone. (Zzzzzzzzzz)

Umaalog na bahay ko kakavibrate. Grabe. Andami nag-greet! FIrst minute pa lang ng birthday ko! From B1 to Council to Pisayanos to UST to UP to Ateneo. Huwaw. I feel special. Nafaflatten ako. HAHAHA.

2 AM - Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz..

Toktoraok! Sabi ng manok.

5 AM - Inagahan ko ang gising. Mag-aaral pa ko for BioLab.

May naaamoy ako. Amoy Pinoy spaghetti with extra cheese and a lil' bit of hot sauce. My fave pasta. HAHAHA

Okay di ko muna titingnan.

7 AM - Punta na ko school. Sino kaya ang una mag-g-greet sakin in person? Hayun si Arjo! Sina Norielle. Tumatambay sa labas ng exam room. Nag-aaral pa rin. HAHAHA.

Pumasok ako room. Isang malaking Happy Birthday ang sumalubong sakin. HAHA.

Na-o-overwhelm na talaga ako. Haha.

7:30-9:30 AM - Naudlot muna ang kasiyahan ko dahil narealize kong sabay-sabay naming niloko ang mga sarili namin sa pag-aaral. FUCKING SHIT! ANG HIRAP NG EXAMS!

Pumasok ako ng nakangiti sa room. Paglabas namin, nakangiti pa rin, dahil pinagtatawanan ko sarili ko. Sana di na ko nag-aral.

Nakita ko si Mikko. Hay di lang pala exam day at birthday ko ngayon.

Bibili pa ko ng cheongsam sa Quiapo, may meeting pa kami for Baccalaureate Mass. May worship pa. Kailangan ko pa umuwi ng maaga sa di malamang rason.

10 AM - Wala akong kasama.(Ang lungkot ) Nagkataon, pupunta sa SM San Lazaro si Chiicko para magpagupit. Sabi nya sumama ako. Sige lang.

Chiicko: Bat ka nakasimangot?
Marjon: Ewan ko eh.
Chiicko: Wag ka malungkot. Birthday mo eh.
Marjon: Ewan ko ba? Basta di ko talaga maramdaman na birthday ko.

Oo nga marami nag-greet sakin pero may sumasama ba sakin? Wala. Na-realize ko. Oo marami akong friends. Pero namimiss ko lang yung feeling na may bestfriend. Yung sasamahan ka lagi. Yung andyan sayo through ups and downs. Di ba ako ganun ka likable? O kaya.. Kailangan ko na ba mag-girlfriend? Hmmm. Hay. Bipolar day pala ito!

Nung nakasakay na kami sa jeep, na-feel ko na wala naman ako magagawa kung samahan ko magpagupit si Chiicko. Tsaka may kasama naman sya eh. Nagtext si Mikko. Bumaba na lang ako para samahan si Mikko kumain at para diretso na kami sa Quiapo.

Marjon: Hay! Parang ang lungkot naman ng araw na to!
Mikko: Bakit naman?
Marjon: Ewan ko, birthday ko nga, wala naman ako kasama.
Mikko: Oo. Yan din ang na-feel ko nung birthday ko eh. Pangit talaga pag school day ang birthday mo. Tapos busy pa.

Hmmm. Di naman pala ako nag-iisa sa feeling na yun. That was kind of a reliever.

3 PM - Pumunta kami sa Quiapo para bumili ng cheongsam, isang type ng Chinese formal dress. Grabe. First time ko mag-adventure-slash-shopping sa Quiapo. Although once na ko nakapunta dun, pero nakatanga lang ako nun. Magandang experience kasi pareho kami first-timers (Hello, kasama ko naman ba ay Lasallista?) at para lang kaming tangang pa-ikot-ikot.

Sinubukan naming tumawad ng malaki-laking halaga kaso goodluck na lang no. Sa itsura pa lang ni Mikko, mawawalan na kami ng karapatang tumawad nyan. Pero what the hell. Siya pa yung nakakumbinsi sa aleng chekwa. P100 pa! Haha ACHIEVEMENT.

Pero may naalala ako! HAHA. Sa isang store. Sinusukat ko yung cheongsam pero naluluwagan ako sa torso part. Kaya sinusubukan kong i-fit by pulling it backwards. Baka kayanin ng safety pin.

Aleng Chekwa: Gipit tiyan.
Marjon: Po?
Aleng Chekwa: Sa-bee kwo, Gipit tiyan!
Marjon(to the assistant): Ate, ano daw?
Ateng Assistant: Sabi niya HINDI FIT yan. HAHA

Wala lang natatawa lang ako pag nagtatagalog ang mga Intsik. Parang pinag-english mo lang si Pacquiao. HAHA

Pagkatapos ng bonding with Chinese people. Bumalik na kami sa school. Nangitim na kami ni Mikko pati ang mga polo namin.

Habang nagmemeeting, nag-order ako ng pizza at pinakain ko sa council people (nagsiuwian na kasi yung iba. HMPF!)

Tumawag Mom ko.

Mom: Umuwi ka na.
Marjon: Bakit?
Mom: Basta umuwi ka na.
Marjon: Labo.
Mom: Ano?
Marjon: AY! Sabi ko OPO!

HAHAHA.

Umuwi na ko immediately after the meeting. Nagthanks ako sa mga kasama ko kumain ng pizza. At may isang kapal-mukhs na nagreply.

"DJ was rushed into the hospital due to lack of coke"

HAHAHAHA! Wag na no! Para san pa tubig. Tsaka may bibilhin ako for myself. HAHA. Pero bibili sana ako kaso busy lahat kumain. Wala akong kasama. At wala ng time. HAHA. Nag-explain pa.

Pero parang may kulang pa rin. Di ko alam. Parang sad pa

Pag-uwi ko everyone was busy. Syempre touch na naman ako. Haha. Kahit yung mga bata. Nakita ko nagd-draw. Kala ko wala lang. Yun pala gift nila sakin yun. Haha. At pinost nila sa ref.

Tapos may dumating na cake. Cake? Na padala? Nakita ko address.

20 Joann Court, Monmouth Walk, Monmouth Junction, NJ

Teka teka. Address namin to sa states ah. Galing yung cake sa states?

Nag-order pala yung Mom ko online. Tapos dinala sa bahay namin yung cake. Super ganda at super sarap! HAHAHA! Ayoko nga sanang pakainin eh. Itatago ko na lang sana sa drawer ko sa sobrang special. Haha.

Sa card: "A gift of love from us who are always here for YOU no matter what. You make us proud of your achievements keep it up. Luv, Mommy and papa."

Grabe. Dun na talaga ako naiyak. Haha. Naisip ko yung mga nagawa ko 5 months ago(yung suicide attempt). Yung mga nagawa kong ka-pasaway-an these past few months. Through those times, di pa rin sakin naggive up ang family ko. Na-take for granted ko sila dahil akala ko di ako ganun ka-special sa kanila. I've given too much time for my friends, kahit yung IBA sa kanila, kahit hindi "mutual" yung feeling. Na nag-e-effort ako makipagclose sa kanila. Sila? Wala lang. Pero overall. Okay naman sila.

Sakto lang.
- ika nga ni Chiicko

Pero syempre may iba naman, na sobrang effort talaga para sakin. Na-alala ko yung gift sakin kahapon ni Frynx at Jusef. Hababng bumibili sila sa Quiapo ng Cheongsam, bumili na rin sila ng brief para sakin. Haha! Natawa ako and in a way or two, natouch sa effort na binigay nila kahit 1 month pa lang kami magkakakilala. Gumawa sila ng letter. At binalot sa pulang cellophane yung box ng brief. (Yung mga tira-tira sa pagbabalot ng light sticks para sa Bac Mass) HAHA! Para sakin, mas valuable sya kesa sa pagreregalo ng mahal na necklace, pero wala lang. Just plain regalo. Para lang masabi na nagregalo.

Haha isa pang regalo na nagpatawa sakin ay yung kay DJ (kung regalo man yun). Nagregalo sya ng Hopia Mongo. Binili nya pa daw yun sa Chinatown. Favorite kasi namin yun. At yun ang ka-isa-isahang commonality namin. HAHAHA. Si Jel. Nagregalo din. Bumili sya ng chocolates at ginawan ako ng pop-up card. Yihee! Thanks Baby!

Tapos yung mga Accountancy friends ko (lalo na si Angel), kahit di ko sila ganun kakilala. Nagregalo pa rin sila ng shirt. Appreciate ko talaga.

So bakit ako malulungkot? Nalaman ko na marami akong true friends, at natutunan ko ang kahalagahan ng family ko. Nagkaroon ako ng strength at reason para maging masaya sa buhay ko at sana di ako nagkakamali. Ilang taon na naging empty at forgettable ang birthdays ko, but indeed, this is the Best Birthday Ever!

Thank you. Thank you.
Mahal ko kayong lahat.

-Rjon