Season 3, Episode 2
June 11, 2009
Still Defining Friendship
Foolish.
Foolish, paranoid Marjon.
Well, isang buwan na ang nakalipas at ramdam na ramdam ko ang pressure!!! Sobra. Busy-busyhan eh. Feeling diligent. Kunwari nag-aaral. Mauuwi lang sa text. Kunwari nag-o-orgwork, nakikipaghalakhakan lang sa mga officers.
Oh well, choice ko to. Sasali pa ko ng Mediartrix mga tsong. Tapos balak ko mag-girlfriend ngayon. Tapos tatakbo na rin ako ng EB ng council. At goal ko pala mag DL. Haha. O diba suicide.
Sa nagdaang buwan, naramdaman ko na laging may nagbobother sakin. Awkwardness sa classroom. YES.
Bakit ganito feeling ko? Feeling ko outgrouped pa rin ako? Am I being paranoid again or some of them doesn't really like me. Pweh.
Number 1: Awkward ako kay #1. Dati super kulit naman nya sakin.
Number 2: Sa kanya din, awkward. Pero minsan nangangamusta lang pero wala na talaga yung kulit eh. Tsk.
Number 3: Awkward din minsan kay #3. Pero nagpapakita naman sya ng kabutihan sakin kahit papano. Miss ko na yung dati. :(
Number 4: Nakipag-ayos na sya sakin. And I'm trying my best to avoid conflicts with this person. Pero minsan foul magsalita eh. Insensitive ba sya o nananadya lang? Di na lang ako kumikibo kasi baka mabugbog ko pa sya at ako na naman ang mali sa harap ng tao.
Number 5: Hay. Di ko na alam. Para bang wala kaming pinagsamahan. Tsk. Nagpakumbaba naman ako.
Bakit ba? Bakit ba ako na lang laging talo? Pag lumaban ka sa isa. Pag-uusapan ka ng grupo na para bang pinatay mo mga kamag-anak nila.
Ewan ko ba pagod na ko. Wapakels na ko sa inyo.
"Andito naman kami."
Sabi yan ng nanay kong si Monica. Haha. Truly, mas napalapit na talaga loob ko sa kanila kesa sa sarili kong block. Eh kasi naman paranoid talaga ako noh. Ang hirap magbago, but at least I'm trying.
Kanina. Ang saya sa orgroom. Nanonood lang kami ni Baby at Imam sa Dreamgirls show nina Jusef, Frynx, Aldrin at Monica. Bentang benta. Haha. Ang sakit ng panga ko.
Hay.
After 1 year, wala na sila. Karamihan kasi ng good friends ko ay 4th year na ngayon. Ewan ko feeling ko compatible ang wavelengths namin.
Aaaminin ko. Kailangan ko talaga ng ATTITUDE ADJUSTMENT. Kung meron lang rehab para dyan, matagal na ko magaling. Gusto ko pantay-pantay. Kung ano pinapakita mo sa kanya, yun ang ipapakita mo sakin. Kailangan pinapansin mo ko lagi. Kailangan makikinig ka sa problems ko. Kailangan makulit ka sakin. OO. Demanding akong kaibigan. Mahilig kasi ako mag-expect (and sometimes, mandikta).
Kasi maganda ang pakikitungo ko sayo.
"Never compare what others did for you to what you did for them."
Sabi yan ni Monique. Tama nga naman sya. Di mo kailangan manumbat. Tumulong ka kasi gusto mo; hindi dahil nag-eexpect kang tutulungan ka rin niya.
Siguro nga kailangan ko muna ng miracle para ma-internalize ko yun overnight.
That reminds me. Si Friend B. Haha. Wala lang. Naaalala mo ba sya? Ayun. Ganun ako sa kanya. Feeling ko anlaki ng tinutulong ko sa kanya kaya kailangan handa sya makinig sa mga reklamo ko sa mundo.
Si Friend A. Naging friends kami uli. Away. Bati. Away. Bati. Eventually, narealize na lang namin na walang kwenta. Walang kwenta.
Bakit marami ba kong nakakabangga? Sila ba yung may problema? Lahat ba sila masama ang ugali? Pero hindi eh. Ayon sa isang topic namin sa Christian Ethics:
"What is right is what the majority believes to be right."
So..I guess I'm the one who has the fucking problem
Sa larong "Killers" (the kindatan game), I've always hated to be the killer. Cause I have to act like I'm innocent like most of the people because what I naturally do is against the majority.
In real life, ganun pa rin. You have to act like them and please them because you don't want them to see that youre not "in the group".
Foolishness. This obliterates one's sense of individuality. Kung backstabber ang leader ng grupo, backstabber ka na rin. Urgh. Annoying.
Anyway, sa grupong tinutukoy ko. Di ko naman nilalahat. Some of them really are getting into my nerves but I have no choice but to shut up because if I "wink" and somebody catches me:
"I'm dead,."
Wala na. I just couldn't afford to make an effort anymore. If I do, wala na kong pride nun. Na pareho lang sa pagsubsob ng mukha mo sa putik.
Basta kung alam nyo kung sino kayo. Kung di pa rin kayo napapagod sa pagsasalita against me, you better be, kasi alam niyo naman kung sino mananalo sa huli. Wala. Sayang effort nyo.
Marjon is paranoid no more.
-rjon
P.S. Marami pa rin sa kanila ang good friends. So don't get me wrong. Still love a lot of my blockmates.
Friday, July 10, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)