Sunday, July 06, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (What you have missed in two weeks)

Napakabilis ng panahon. Dalawang linggo na pala akong hindi nag-uupdate ng blog. So basically, I'm gonna write about what you have missed.

Jun 23-24 - si Frank at ang Araw ng San Juan

Hay, badtrip ang araw na yun. Kung kelan ka eager na eager pumasok, tsaka nagpakitang-gilas ang kalikasan. Nakipagshowdown pa sya sa Manila Day at San Juan Day. SO basically, napakaredundant ng Monday at Tuesday. Mababasa ka pag Monday, mambabasa sila sa Tuesday.

May naririnig akong dalawang babaeng nag-uusap sa tabi ko nung tumitingin-tingin ako sa Oxygen nung Manila Day.

'May pasok ba ang mga taga-QUEZON CITY pag MANILA Day?'

Teka teka, ako ang probinsyano dito. Bat di mo yun alam?

Humirit pa ang kausap niya.
'Wala rin ata. Metro MANILA yun eh'

Naku naman Ineng, ibig sabihin pala ay wala ring pasok ang Laguna, Cavite at Batangas. Kasi Mega MANILA yun eh.

Jun 21 to present - ang aking pagka-irita sa nakakasawang pagbanggit ng news anchors and reporters sa 'M.V. Princess of the Stars'

Mel Tiangco, Mike Enriquez, Connie Sison, Jessica Soho, Pia Guanio, John Lapus, Susan Enriquez, Unang Hirit People, Vic Sotto, Joey de Leon, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Manny Pacquiao - kung may isang serial killer na pumapatay ng adik sa pagbanggit ng pangalan ng barkong 'Princess of the Stars'. UBOS ang ating mga minamahal na Kapuso.

Sana natuloy yung pagspill ng chemicals galing Princess of The Stars, para macontaminate ang buong Serenea at mamatay si Reyna Dyangga. Dyesebel! Ipaglaban mo ang pag-ibig mo para kay Fredo. WTF!

Tsaka ang husay rin nila magbanggit ng mga detalye kung anuman ang appearance ng mga bangkay, at mahusay rin silang tsumempo sa Breakfast at Dinner time namin.

Jun 28 - Ang first screening ko sa UST Singers

Ang pinakahopeless moments ko sa USTe. Grabe, ambisyoso na kung ambisyoso. May nagtanong pa ngang isang choir member:

College of Science ka, di ba?

Opo.

Bat di ka na lang sumali sa Glee Club nila?

AY amputah. Sagad sa kayabangan. Idol niya ata si SImon Cowell. The only difference is that no one asks his opinion.

Nameet ko rin si Kuya Kayle nung araw na to. Haha!

Jul 4 - Ang second screening ko sa UST Singers

Sa kabila ng comments ng isang Simon Cowell wannabe. Unexpectedly, nakapasok pa rin ako.

Mas maganda ang araw na to. Tinanong niya ko kung okay lang daw ba sa parents ko mag-UST Singers at kung ano sched ko. Oh sht, oh sht, oh sht.

Jul 5 - Ang first day ko as a UST Singer-Trainee

Oh shoot. Nakapasok pa rin ako. Tenkyu, tenkyu. Swerte lang talaga. Marami ako natutunan, first day pa lang. Can't believe this. SOMEBODY PINCH ME!

So, that seems to be everything you missed. Hindi ako busy. Tamad lang talaga ako. Have a nice week!