Isang semester ng controversies, rumors, pains and gains.
Ang daming nangyari. Sobra. Parang pwede ko mapagkasya ang buong buhay ko sa semester na to. Life-changing experiences. A lot o' new friends.
From Isopropyl to Booze
Una: 1611
First Glass of Beer
Icon ng Agham nun eh. Sobra. Akala ko. Di ko type lasa ng beer. I mean. Cinocondemn ko talaga ang alcohol(booze, not isopropyl) consumption. Pero wow. Dapat manonood lang talaga ako tanghalin ang bagong Icon. Pero nahatak nila ako eh. And it changed my life forever.
Dito ko rin nakilala ang una kong circle of friends outside B1. Ang 3P4 friends ko. Little did I know that this was the start of a roller-coaster ride they call "college".
Friendships grew deeper after a few months. And "Friendships" too. :)
New Characters:
Keira
Alvin
Anjo
Jayvi
Bea Codog
Kris
Chiicko
Ikalawa: DJ's House
Paskuhan Tragedy
Pagkatapos ng spaghetti at tequila shots sa bahay nila DJ...Well..
Actually tapos na siya eh. Pero gusto ko lang maging honest. Eto talaga yung nagmark ng simula ng paglayo ng loob sa sarili kong block. Ewan ko. Masyado lang talaga akong verbally aggressive kapag nanggagalaiti. The first part was, yeah, inaamin ko. Ao may kasalanan. But when I learned that these people are talking about me and practicing their scientific skills by formulating hypotheses about me. I was like. Wow. This has gone too far.
Aminin natin, paranoid ako. But I HAD something to get paranoid about. What pissed me off is that dumating pa sa extent na nag-GM sessions pa sila just to talk about me, the moves I make and their conclusions.
Pero yeah. It's a thing of the past. In a way or another, all this mayhem made me grow, know what my limitations are, and face that (oh yeah cliche na cliche) you cannot please everybody.
I did forgive them, even though I didn't accept any apologies from anyone (except for one guy). Hope they've already, too. I feel good whenever I'm with them now. Mahirap lang talaga mabalik yung dati.
Pero syempre, because people come and go(I have a lot of third and fourth year friends), they will always be my second family. :)
Sorry uli, guys.
Ikatlo: Mayric's
Boys, Curls, Valage, Shivoli
After ng variety show, dumiretso ako sa practice ng Singers. Pero I'm starting to feel that I'm not really made for this. I'm not sure if I'm responsible enough to get serious with making music. Nagtext si Keira. She wants me to go to Mayric's daw. And I did.
At first, syempre I was really really timid. But when Maffy and Joy talked to me, I realized that yeah, there's still room for more friends. The more, the merrier, the more chaotic.
And voila! Sampung rounds ng roller coaster! Mas naging controversial ang buhay kolehiyo ko. Mas masaya pero mas controversial. Kung issue lang naman ang pag-uusapan, di kami nauubusan nyan.
Ako nga lang eh. Di ko alam. Hours before I even met them, nagka-issue na ko sa kanila. Which I proved wrong naman.
New Characters:
Maffy - "So (insert name here) tell me something about yourself" :))
Joy
Fat
Frynx
Cassie
Apol
Mikko
Vane
After ilang days, kumakapal din ang stratum corneum ko sa mukha. Labas-pasok na ko sa orgroom. AT mas marami pa nakilala.
Jel
Bea Idquival
Roy
Jusef
Ja
and a lot mooooooore.
Ikaapat: DJ's Nook
This is For My People Who Just Lost Somebody
(sana may makagets ng title)
Eto talaga. Hay nako. Highlight kung highlight. Ikumpara natin sa isang piraso ng Watusi ang nalalaman ko sa mga bagay-bagay bago ang inumang 'to. Pagkatapos ng inuman, ikumpara na lang natin sa Sinturon ni Hudas.
POTA talaga. Mas nagulo buhay ko (in both good and bad ways). Sabi nga ni Maffy, kung dati sabik na sabik ka malaman kung may issues ba, ngayon, mga issue na ang lumalapit sayo at siyang itataboy mo sa dami.
New Character:
Drew
Ikalima: Balay
Kiss Lips, Lick Tongue, Rub Toes, Lock for 5 seconds
Dahil tinatamd kami ni DJ tapusin ang dalawang term paper, nakipag-inuman muna kami.
Haha. Ewan ko sa inyo ah pero ito talaga ang dirtiest inuman na napuntahan ko. HAHA. May life-changing experience din ako dito. Hmmmm. Ano kaya yon? Kayo na lang bahala mag-assume kasi assuming kayo. Bigyan ko limandaan makahula. HAHA.
Syempre kamusta naman ang mga term paper namin?
New Characters:
Bebang
Rhein
Charles
Mickmack
Ikaanim: Tapsi
Tapsi and Tipsy
Ay di pala tipsy. First time ko malasing. Yung lasing talaga ah.
"Hello!! It's me!! All the way from Turkey!!"
New Characters:
Abby
Ina
Ikapito: Fontana
1..2..3..
Ewan ko. Masaya siya. Pero isa 'to sa mga pinakamalabong araw ng buhay ko. Naghahanap ako ng kasagutan sa aking mga katanungan. And I want it now.
And I got what I wanted naman. Haha. Nalinawan na ko.
Kung iisipin, masyado ba kong ineenjoy ang college life ko? Nakalimutan ko na bang nasa UST ako para mag-aral? Feeling ng family ko, 'nababarkada' ako. At sinet-up pa ko para lang makausap ang isang counselor.
Ewan ko. Di naman ako yung taong puros inom lang eh. I mean. I still work hard for my grades.
Eh sa friendship naman tayo uli. Masaya din ako na nakilala ko sila. Pero ewan ko. Habang tumatagal, di ko na rin alam kung san ako lulugar. A person may like you for a while, and bigla bigla ka na lang aayawin dahil may nakilala na siyang mas interesting pa sayo. Well I'm not whining about it. It's just that, it's the truth. May constant companion naman ako. Pero ewan ko. Natatakot ako. Someday, things might get fucked up and we may end up killing each other. Exage pero posible.
And oh.. The end is near. Watch out for the season finale. :)
*yawn*
-rjon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment