Season 2, Episode 2
November 2 - November 29
Almost the first day until almost the last day of November
Kung nasubaybayan niyo ang pabalik-balik na kababalaghang dala ni Voldemort kay Harry Potter.
Kung kilala niyo si Brenda ng Scary Movie na ilang beses nang namatay(yung negrang sinaksak sa 1, nawala sa 2, binugbog ni Samara/Sadako sa 3 pero sumulpot pa rin sa 4)
Eto ang basahin niyo. Ang pagbabalik ng matandang babae. At pwede mong imagine-in ang isang villain (which is siya) na binuksan ang pinto with all the kuryente powers surrounding her at tumitingin ng nakangiti sa hero (which is ako) at nagsabing...
WE MEET AGAIN
(with matching evil laugh at OA na halakhak hanggang sa ma-sabit ang lalamunan niya at mapaubo. So cliche. Haha.)
Isang napakagandang second day of the 2nd sem at ako'y naglalakad-lakad sa corridor pagkatapos ng English at iniisip kung sino ang Theo prof namin. Hay, nararamdaman kong mabait ang prof namin sa Theo, sabi ko sa sarili ko. Pero nako, nagdilang-demonyo ata ako.
Nakasalubong ko ang isang matandang babae. May hawak na isang folder at ilang bond paper. Nagsipasok na mga blockmates ko. Mukhang siya ang professor.
Hmmm. Mukhang pamilyar tong babaeng to.
Pumasok na rin ako, nag-iisip. Sino to? Sino to?
In da neym ov da fudder, ov da zuhn, ov da...
Nice accent. And she claimed that she has been teaching English for many years. Seriously, tell me about it.
Di ba? (Nga pala itago na lang natin siya sa pangalang Caviar, oo, yung Russian food dahil hindi naman masyadong obvious)
'Siya yung nagalit sa inyo ni Wei nung niyakap mo siya sa corridor.' pabulong na sabi ng isang unknown voice.
Oh my F****** God. Di nga?
I hated that woman. As in kung nakita niyo siya mag-react sa pagyakap namin. Para bang nagseselos or something. Haha!
Pero there is something talaga. Sino ka ba?
Pero bago ko pa man mahulaan kung san ko siya nakita.
Humirit na siya ng mga utos.
The Ten Caviar Commandments
I. Thou shalt write her to-do list on the board.
Example:
1. Opening Prayer
2. Review
and so on..
Ewan ko ba kung may Alzheimer's ba siya at kailangan pang may magpaalala sa kanya.
II. Thou shalt have an opening prayer with all her rituals whatsoever.
(Sign of the Cross, Spontaneous, Psalm 91, Song, Sign of the Cross)
My gawrsh. Magiging in-demand kami sa langit niyan!
III. Thou shalt write a reflection paper on the Sunday Gospel every week and submit it every Monday.
Grabe. It's not even our major.
IV. Thou shalt write a summary of the articles in Life Today and submit it every Wednesday. Thou shalt buy the religious magazine, Life Today. Available in the Institute of Theology. Subscribe now and get a special discount.
V. Thou shalt be the one to make the seat plan, the class record and everything I should make. Thou shalt use the Caviar Code.
Example: 15 Marjon
VI. Thou shalt exclaim your name using the Caviar Code during attendance checking.
Example: 15 Marjon!
VII. Thou shalt betray your neighbors by declaring that they are absent but in fact, they're only pee-ing.
Example: 15 Marjon, 16 ABSENT!
VIII. Thou shalt have a whiteboard marker. Thou shalt 'Give chance to udders'.
IX. Thou shalt speak in English because I teached English for millions of years and beacuse my grammar is perfect.
X. Thou shalt obey my commandments or else, You're DISQUALIFIED!
Haha. I know! Katuwa no?
Parang gusto mo ng magdrop.
Magdrop ng malaking bato sa ulo niya.
Sooooo elementary.
Tapos, one day, nag-recite ako. Binasa ko yung pinaghirapan kong summary. After that may review kami, boardwork siya. Sa grupo ko, ako yung napiling representative ng groupmates ko. Tapos sabi niya.
'Hoy! [Group] Number 4! Why are you there?'
'Ka-'
'Speak in English'
'Beca--'
'I told you. Give chans to udders'
'Because I thought---'
'DISQUALIFIED!'
.....
Alam ko na kung sino siya.
Kung naalala niyo yung nakaaway ko nung Finals namin. Yung sa Season Finale. Yung mahilig magsabi ng Get Out.
Siya yun.
Ang matandang proctor.
Kung kaya ko lang, gusto ko mag laser eyes o superstrength o psychokinesis para tanggalin ang pustiso niya.
Oh well. Bibigyan ko siya ng chance mag-surrender sa kin. Sa mga susunod na araw makikita natin kung anung kalalabasan ng war na to.
---ABANGAN sa susunod---
Emo moment na naman. Alamin kung anung nangyari after the suicide attempt.
-rjon-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment