Monday, August 25, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (SPECIAL EPISODE)

Season 1, Special Episode 1
August 23, 2008

Hay.. It's been a while..

Oh Sh!t

I opened my eyes and the first thing I saw was my clock, 5 AM.
Crap, syempre ang tamad nyong bida, 'umidlip' muna.
Alam nyo yung feeling na feeling mo nag-blink ka lang at voila! 30 minutes na ang nakalipas.

'OH SHIT!'

Binulong ko nang pasigaw. (Or sinigaw ko ng pabulong. Whatever.)

5:30 na! May fieldtrip pako ng 6 AM. 

Walang excuses yun. Pag late ka, iiwan ka talaga. Di tulad ni Prof Diamante na nagchecheck lang ng attendance pagkatapos ng klase nya. Kaya kahit 45 minutes late ka, PRESENT ka pa rin! Well, at least, I think it works that way. I'll be so pissed off and so doomed if I'm damn wrong.

So, yun, I couldn't afford to waste a single second. Wala nang panahon sa pagtunganga at pagmuni-muni. AT wala na ring panahon para manuod ng Unang Hirit at America's Got Talent. Adrenaline Rush!

At ang normally naliligo ng 30 minutes, nakuhang maligo ng 3 minutes(oy! di lang wisik-wisik yun!)

Kumakanta pa kasi ako ng tatlong 4-minute songs, normally. Parang mini-concert with your balde, tabo, soap, shampoo bottles and toilet as members of the audience. Daily routine talaga siya. Nasisira ang araw ko pag di ako nakikipagrakrakan at nakikipagbiritan sa kaharap kong dingding. Pero nung araw na yun, bumirit lang ako ng Alphabet Song, solve na.

EEEEYYY. BBIIIII. SIIIIII. DIIIII. yeahhh...

So tapos na ko in 3 minutes. Record yun ah! (Longest ko ay 2 hours. Believe it.)

Aking napagtanto.. Fuckk! Tulog pa tita ko. Pano yung baon ko? Ang tanging inspirasyon ng kabataan upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

So, first things first. Bihis muna tapos nagmistulang grocery ang kwarto ko -  grab lang nang grab sa closet, throw lang nang throw sa bag.

AT gising pala ang tita ko. In fact, nauna pa siya nagising sakin. Nasa banyo niya pala kasi siya kaya walang sumasagot sa room niya. Magjojogging siya sa MOA. 

Sa awa ng Diyos, nakakuha pa rin ako ng baon at hinatid pa ko ng tita ko sa USTe. Isang bagay na hindi pa nangyayari dati. Kasi if we would use our car, 10 minutes lang to USTe. If I would take a Tayuman-Lardizabal jeepney, it would take, like,  10 years. Graduate na ko by that time. Hahaha. 

So sa awa ng Diyos uli, di pa sila umaalis. 6:04 AM.

Di pa ko nagbbreakfast so McDo mode ako.

6:10.
6:20.
6:30.
6:45.

Bakit di pa umaalis? Akala ko ba 6.

7:00.
7:15.

Peste. Lokohan ba to? Sayang ang 23 minutes ng pagligo. Sayang ang 5-minute bonding with Love Anover.

Anu na?

7:30 - Finally.

So 3-hour trip yun. And somethin's wrong with my tummy. Mabigat ang Hot Chocolate sa tiyan and it ain't good. Good Lord, is this the moment? After 4 days of constipation, mukhang ngayon pako mapapa-defecate. Pero nakalimutan ko naman dahil kabonding ko naman ang aking mga friends ko, ang Pussycat Dolls, Panic at the Disco, Fall Out Boy, Callalily at si Katharine McPhee. Pati na rin ang PSP Game ng Bleach.

Pagbaba ko ng bus, masakit pa rin tiyan ko. Badtrip.

Ano bang ginawa kong kasalanan para magtampo siya sakin? Kung kelan pinipilit mo, ayaw niya. Kung kelan kailangan mong pigilan, excited siya to say hello to the outside world.

Nakarating kami sa Dambana ng Kagitingan which is the large Catholic cross erected at the peak of Mt. Samat. At may elevator siya sa loob, which is beneficial, kasi due to upward momentum versus gravitational force, my tummy was pacified.

Superb. Ang ganda sa top portion ng cross. Daig ang lamig ng Baguio. Sorta. Kapantay mo ang mga ulap. At free ka from Manila smog. It's as if you reached Nirvana.

AT nagtagal kami dun dahil sa aming CAMERA-SHY nature.

Sa aming pagbaba, nakasalubong ako ng sangkatutak na conio. Ang sarap... pagbabarilin at pagsasaksakin. They are murdering two languages, I was told by my English prof. I wanna make tusok-tusok them.

Moving on, dumiretso na kami sa Subic and we ate sa isang magarang hotel. Nawala sa isip ko, nagtatampo pala tiyan ko. So konti lang nakain ko, and that might be the reason why I was tummy-ache-free the next day. Haha. Peace tayo, mga victims.

After that, nagtour kami with kuya SBMA tour guide at marami akong natutunan. 
Kagaya ng:

Noon, binansagang CUBI ang Subic dahil ginagawa palang ito. CUBI means Can U Build It. 

@Nang ito'y nakumpleto na, binansagan itong SUBIC which means So U Built It, Congratulations!

@Lahat ng buildings sa Subic ay may assigned four-digit number dahil ginagamit ito noon ng mga Amerikano as secret codes.

@Ang mga Aetas ng Subic ay respected creatures. Karamihan sa kanila ay may ATM accounts.

Speaking of Aetas, sila ang sunod naming binulabog. 

First, we went hiking with Ate Milagros and she taught us about a few medicinal plants, but when she talked about dysmenorrhea, the lecture kept on getting more awkward so I had to leave and Ate Milagros followed me, kaladkad ang iba kong kaklase. And we talked about bad spirits and skin itching. And I remembered Toshi, asking her how she met her husband. Like I said. It was a awkward and haggard. Ang sarap maligo after that sweaty hike.

Second, Kuya Noel, Eldrin's long lost father, taught us to create fire with the use of bamboo and a hell lot of friction. So cliche, I've seen this on TV so many times before but this would be my first actual encounter. He taught us to cook Sinigang na Unggoy, Nilagang Bayawak and a lot more. Bon Appetit!

Then, He taught us how to trap these creatures. He even risked his life and poise because he acted as the target animal when he was showing us how the trap works. Haha, nagmala-unggoy siya. Umakyat siya sa mga puno. Sigawan naman ang mga girls.

'Kuya! Wag! Tama na!'

As if, may ginagawa si Kuya samin. HAHAHA!

After mamili sa Duty Free, natapos ang araw nang ligong-ligo kami sa pawis. Bumalik sa bus. Nagpahinga. Nagkantahan ng Lupang Hinirang at religious songs. Nagkwentuhan ng scary stories and about sa Singsing ni Lola.

Nakauwi na rin kami ng 9:00-10:00 AM at jebs na jebs na uli ako. Perfect timing.

Ang saya. Wish it would happen again. Thank you.

Buong araw man akong jebs na jebs, nakalimutan ko siya sa sobrang saya. Happy jebby!

-rjon-

No comments: