Monday, June 16, 2008

MARJONLANDIA : Adventures in the Golden Tiger Castle (Episode 2)

June 16, 2008
Season 1, Episode 2

Hmmm... People, people, people.
Sobrang daming people.
Heavy pedestrian traffic sa UST. Grabe.

UST is a big campus, di ko kinaya ang maghapon na paglalakad.
(kamusta naman kung sa ADMU pa ko nag-aral, baka magpabili ako ng wheelchair nyan)

5:00 AM - Ginising ako ni Madonna at Justin Timberlake dahil napindot ko pala ang play button ng walkman phone ko. Astig.

5:30 AM - Tulog pa isip ko nyan, pero nagwiwisik-wisik na ko ng tubig.

6 AM - Nakaupo. Nakatunganga. Nuod Unang Hirit. Tapos humirit pa pinsan ko, aga-aga, ingay-ingay. Annoying.

6:30 AM - Nakaupo pa rin ako, Nakatunganga. Pero magic. Narealize ko na ISINUOT na ng mga damit ko ang kanilang mga sarili sa aking katawan.

6:45 AM - Tayuman. Tayuman. Tayuman. Nasa jeep ako nun. Lakas ng sigaw ah, di ko na nga naririnig yung walkman ko eh. Kahit i-full volume ko pa. Antagal mag-blastoff ng sasakyan.

'What's the point? Don't wait for no one, please? I'm late.'

Naku, yan ang Unang Hirit ng utak ko. Gumana sya sa wakas.

7 AM sharp - Hinawakan ko na doorknob. Eto na Room 326. Shit shit shit shit shit, eto na. Not a single peep. Antahimik ng classmates ko. I looked around. Wala nmang prof ah. Narealize ko. Onga pala, First day namin. It's supposed to be that way. Unless.

Ayun as expected, babae ang unang dadakdak. Nagsabi lang ng Hi yung isa, I'm Blabla.

5, 4, 3, 2, 1 - BOOM! Napuno ang room ng:

Nu pangalan mo?(pero commonly, 'Nu name mo')
Where do you live?
Nu number mo?
First day mo ba?
Taga-UST ka ba?
Ka-block ba kita?
TAO KA BA?
KAUSAP BA KITA?

Hindi naman.. Medyo lang.

PHILO 2 - Tagal ng prof. SOobra. Bored ako syempre. Kaya pinanuod ko lang silang nag-uusap. AT ayun may nagsalita sa vicinity ko. Yun. Naloko na.

Ayan na yung prof. Haha! Bakit daw Philo 2? Kasi hindi Philo 1. (crickets, do your thing)

BIO 101 - HUHU. I'm scared. This is going to be one tough subject. Not because I don't like Bio. The prof looks mean. Pero enjoy naman sya magjoke.

VACANT - I made new friends at kami yung nasa pinakalikod/backboys/late/adik sa aircon.

ENGLISH - BOOYAH! WALANG PROF. Since may kakilala na ko. Okay lang na walang prof. Pero may fourth year students na sorta nag-orient samin(orientation para sa orientation kumbaga), apparently 10 times na mas maingay samin kahit dadalawa lang sila o tatlo.

THEOLOGY - God. God. God. Let's talk about God. Next. (Uy, walang personalan, joke lang hehe)

LUNCH - KFC is the place to be! Hotshots pa rin inorder ko as usual.

PE - Peste, di pala gagamit ng PE Uniform. Heto nangtrip na naman. Naku. Ayaw ko makipag-away ngayon. So help me God. Buti na lang biglang may Yellow Jackets na nagturo samen about yells. Impressive.

Go USTe! Go USTe! Rah Rah Rah. Bla bla. (not meant to offend people yung bla bla)

Tapos sepak na. Hmmm. Inaantok na ko. Hindi dahil ayoko nung sinasabi ng prof. Kasi nakakapagod pala maging college.

Uwian na, tapos may humabol pang makipagkaibigan. Ok. Sige lang ng sige.

Di ako marunong sumakay from UST to Lardizabal. So Nag-SM ako kahit walng bibilhin, kahit di gutom, kahit wala ako sa mood maglaro ng Deal or No Deal.

Medyo boring tong post. Hay.

Pero nakakapagod talaga ang maging college. At officially, Day 1 pa lang 'to! AHHHHH!

S.O.S.

-rjon-







No comments: